Central Azucarera de Tarlac's statement regarding Villar's press release

ProPinoy was able to reach Alfredo Laurente, the president of CATLU (Central Azucarera de Tarlac) and former Barangay Captain of Bgy Central. His statement is below, transcribed from a quick phone conversation. Disclaimer: Propinoy does not endorse any presidential candidate. We are just sharing what Mr Laurente said.

“Ako po ang pangkasalukuyang presidente ng CATLU, lahat ng ganyan [press releases, statements, etc], dadaan sa akin. Wala kaming alam diyan.

“Hindi iyan totoo. Tutulungan namin si Sen Aquino, 100% suportado kami sa kanya. Kaya bakit namin sasabihin iyan [na suportado nila si Sen Villar, ayon kay Bayan Muna Rep. Teodoro Casino].

“Sino ba si Casino? Hindi iyan tiga-2nd district ng Tarlac [kung nasaan ang Hacienda Luisita]. Ano ang alam niya? Dito kami napanganak at lumaki. Malaki ang utang ng loob namin sa mga Cojuangco, at sa mga Aquino, mabuting pamilya iyan. Kung may kilala sa kanila, kami iyon. Pulitika lang iyan, sira-siraan. Dito sa Hacienda, hindi naman nakikialam [ang mga Aquino].

“Kawawa naman ang mga Aquino at Cojuangco. Madalas silang dyinadyaryo, eh hindi naman totoo. Mabuti talaga silang pamilya. Kami ang may kilala sa kanila, kami dapat ang ipasalita.

“Wala pong katotohanan ang press release na iyan. Baka may nagsasalita diyan, pero hindi kami iyan. Personal opinyon siguro iyan, pero huwag namang sasabihin na iyan ang kagustuhan namin, o kagustuhan ng madla. Ang majority sa amin suportado kay Sen Noynoy 100%, kaya hinding hindi namin sasabihin iyan. Wala kaming ibinibintang sa pamilya nila.

“Bakit kami lilipat sa hindi namin kilala [Sen Villar, ayon sa “press release”], na walang ginawa para sa amin? Sana ikinumpirma muna naman nila kung iyon talaga ang sinasabi namin.”

See related post.

The ProPinoy Project

  • yan ang malaking duda na mangyaring ibigay ang mga sakahang lupa sa mga magsasaka? kung talagang may balak silang ipamahagi yan nuon pa! hindi kung kelan mag-eeleksyon! at isa pa, ang parte ni noynoy dyan sa hacienda na yan ay kakatiting! kaya napakahirap paniwalaan ng ganyang klase ng langit? kahit sabihin pwede yan isulat sa hangin yan ay imposibleng ipamigay ng mga cojuangco! sana nuon pa? hindi ngayong mage-eleksyon ‘

  • betterkeepittourself

    who is Alfredo Laurente? would you be able to provide a video on this?