Karanasan sa Lakad ng mga taga-Karahumi

Last March 15, 2010, the farmers of Norzagaray (SJDM) marched from their land to the Office of the Ombudsman in Quezon City to protest their current fragile situation. The following is an account by Mr. M.D.F.P.


Karanasan sa Lakad ng mga taga-Karahumi

Habang kami ay naglalakad kanina ng mga katutubo at mga magsasaka ng bulakenyong inagawan ng lupa ni Villiar sa brgy San Mateo ng Norzagaray at sa brgy San Isidro ng San Jose del Monte ay marami ang naglalaro sa aking isipan. Una ay kung kami ba ay matatanggap na positibo ng mga tao, o baka isipin lang nila na black propaganda lang ito ng mga kalaban ni nVilliar sa pulitika.

Iniisip ko rin kung kami ay mapapansin ng mga media para ikober ang aming mobilisasyon dahilan sa batid kong mapera at maimpluwensya ang kampo at pamilya ng mga Villiar kung saan isang correspondent sa kilalang media print newspaper ang nagsabing hindi naiprint ng kanilang editor ang ginawa naming isyu labang sa pangangamkam ng lupain nina Villiar dahilan sa mismong takot and dyaryo na mawalan ng advertisement na nagmumula sa yaman ng Villiars group and influence.

Dagdag pa rito na inilalagay naming lahat ang aming mga sarili sa tiyak na kapahamakan dulot ng paglantad namin sa kalsada, media at internet lakip ang aming mga mukha ay mamamarkahan na kami ng mga tirador or mga hired killer na pupwedeng magpatahimik sa amin o mga taong mayroong masamang interes. Magkaganuon man ay isa itong hamon upang higit na mailantad ang katotohanan.

At habang kami ay naglalakad kanina (Marso 15, 2010) ay dama namin ang pagkagulat ng mga tao. Karamihan sa kanilang reaksyon ay hindi makapaniwala na totoo pala ang mga balitang pangangamkam ni Villiar at simpleng paninira sa pulitika. Marami akong nakausap sa kalsada at mga bahaging palengke na nadaanan na nagwiwikang tama nga itong ginagawa namin dahil sa maraming naniniwala na puro kalokohan lang ang mga informercial ni Villiar.

Dangan nga lamang na marami rin ang nag-iisip na hindi nila kayang banggain si Villiar dahilan sa makapangyarihan ito, mayaman, maimpluwensyang tao at maraming kayang gawin ang pera nito para mabaligtad ang mga katotohanan lalu na sa mga ahensya ng DENR at LRA kung saan ang mga usaping pagrerehistro ng lupa ay halos kontrolado nito.

Kaya naman kahit anong laban ng mga tao kay Villiar sa usaping legal ay lagging natatalo hindi dahil walang katotohanan ang mga ibinabatong kaso kundi walang maipakitang ebidensya. Tunay ngang malinis na magtrabo si Villiar pati ang mga tauhan nito kaya lumalabas na legal ang lahat ang pagkakabili o pagkakapatitulo ng mga lupain tulad ng ipinaglalaban ng mga katutubong magsasaka sa Karahumi.

Siguro mahihirapan patunayan ang lahat ngunit kailangang kumilos ang mga katutubo lalu na ang mga mahihirap na inaapi’t itinuturing na basura ng lipunan upang ipaglaban ang kanilang karapatan sukdulan na wala ng media ang gustong magkober ng mga isyu laban sa pamilya ng Villiar. Kaya nga dito na lamang sa internet naming ipinopost ang mga malalapit sa puso naming dahilan sa may kalayaan.

Marami akong nasaksihang kahirapan sa kalsada kahit na isang araw lang akong nakasama. Nandiyan ang mga nasiraan ng bait sa gutom, mga batang kalsada, mga maralitang lungsod, mga manggagawa, mga pulis at traffic enforcer, mga taong ordinaryo na nakatingin na may paghanga at malalim na pag-uusisa. At lahat sila sa kabila ng pagkuha ko ng mga larawan ay pinilit kong mapalaiwanagan sa isyu ng pangangamkam na bagamat kakaunti lang silang napaliwanagan ay okey na din dahilan sa nakabawas ito ng aking nararamdaman kasinungalingan o half-truth sa mga TV infomercials.

Panawagan nga ng mga katutubo kay Villiar na kung talagang gusto nitong tumulong sa mga mahihirap e bakit kailangan pa nitong kamkamin ang Lupaing Karahumi gayong sobrang yaman na nito. Bakit kailangang patubuan pa ang maraming bumiling mahihirap sa mga pabahay dito sa lungsod ng San Jose del Monte kung pwede namang libre dahilan sa mapera na ito.

Tatapusin nga ba niya (Villiar) ang kahirapan natin o tayong mga mahihirap ang kanyang uubusin at lalong ibabaon sa kahirapan. Hindi matatapos o mauubos ang mga mahihirap dahilan sa patuloy na marami ang nagpapagamit sa mga sakim sa kapangyarihan at kayamanan ng mundong ito. Sana nga ay totoo ang lahat ng sinasabi ni Sen. Villiar na pagtulong lang ang gusto nya kung kaya tumatakbo ito sa pagkapangulo pero hindi ito ang nararanasan namin. Kaya sana nga ay mabawi na ng tuluyang ang Lupaing kinamkam ng mga Villiar sa lalawigan ng Bulakan.

Bro Martin

Location: Fairview, Quezon City
Norzagaray
Norzagaray
Norzagaray
Norzagaray farmers
Villar
Norzagaray

Karen Ang

A plebeian who is trying to make small changes in this world.

  • Jhel maldita`ko

    hahaha:)) just read the blog to enlightened your mind and your hearts.. 🙂 Gordon did touches our hearts.. 🙂

    http://anabellec25.wordpress.com/2010/04/22/kay-gibo-ako-noon/

  • SANA PO MAGISING NA ANG MGA PINOY>>> LALO NA ANG MGA PIRING ANG MATA DAHIL SA PERA O SA KAPANGYARINHAN>>> MAAAWA NA PO KAYO SA PINAS>> MAY PANAHON PA PARA MAGBAGO>>> ISIP ISIP> kAYA PO TAYO BINIGYAN NG PAG IISIP PARA MALAMAN NATIN ANG TAMA AT MALI>>> TIGILAN NA ANG PAGIGING GANID SA PERA 0 SA KAPANGYARIHAN O SA PUSISYON>>>PADAMI NG PADAMI ANG NAGUGUTOM/NAGHIHIRAP DAHIL SA MGA TAO NA TULAD NYO>>

  • moonlite_58

    one thing for sure both villar and noynoy has an issue…parehong mabigat..parehong maraming nasagasaan…parehong may nawalan nang buhay…..ganito ba ang gusto nating maging pangulo???yung isa nangangako na iaahon tau sa kahirapan…pero kaya sya yumaman ay dahil sa pagsasamantala nya sa maraming maralita…kaya lumago ang negosyo dhil sa pag manipula sa stockexchange ng pilipinas, sa loob ng ilang taon panunungkulan nya bilang senador…anu ba nagawa nya…wala!!!!kundi magpayaman para pansarili nyang kapakanan…para sa eleksyon na to….yung isa nanahimik sa issue nang hacienda luisita,d nga ba sya magnanakaw????sna nga hindi…sakripisyo nga ba ga2win nya para sa madlang people…i doubt..matoto na sna tau…matagal narin ang mga aquino sa posisyon wla rin naman sila nagawa..mahirap prin ang pilipinas hanggang ngayon…vote wisely…madlang people…i go for GIBO win or loss….

  • special force

    sana huwag na ibalik mga lupa nila. tutal hindi naman mananalo si Villar sa pagkapangulo, it serves right naman diba

  • len

    nagsalita na ang totoong mga magsasaka ng hacienda luisita na sila ay ginamit ng grupo nina satur ocampo. nung hindi pa sila nagagamit ng makakaliwa maganda ang buhay nila sa hacienda luisita pero dahil sa makakaliwa nagrecruit ng mga taga ibang lugar na magsasaka at gumawa ng gulo na ang pinagbibintangan ay ang may ari ng hacienda luisita. sana mag research ka muna gaya ng ginagawa ng maraming tao sa mga pangangamkam na ginagawani Villar. Maraming realtor ang nagpatunay sa mga corrupt na ginagawa ng mga villar pati sa OFW na kunyari sila ay natulong yun pala for publicity lamang. pumunta ka sa website ng hacienda luisita at makikita mo ang hinahanap mong picture na nagsalita ang mga tunay na magsasaka ng hacienda. baka hindi mo matanggap sa iyong sarili na hayop talaga sina Villar ngayon pa lang sinusunog na ang kaluluwa sa impyerno sa dami ng nagawang hindi maganda sa sambayanang Pilipino

  • florence bautista

    oppsss……. ilabas ninyo naman ang pictures sa hacienda luisita …. para naman patas ang laban ng laban… wala namang B….S para sa mga namatay na magsasaka….. hindi lahat ng nakadilaw any bayani

  • wil

    I hate Mr. Villar. I hope he dies soon. ma-karma sana siya at ang buong pamilya niya.