Norzagaray farmers' plea

Last March 15, 2010, the farmers of Norzagaray (SJDM) marched from their land to the Office of the Ombudsman in Quezon City to protest their current fragile situation. The following is an account by Mr. M.D.F.P.
Apila sa Sambayanan Pilipino at Mga Kinauukulan

Kami, mga maralitang magsasaka mula sa kabundukan ng Norzagaray, Bulacan ay nananawagan sa mamamayang Pilipino na kami ay tulungan dahil kami, sampu ng aming mga pamilya, ay nanganganib na mapatalsik sa aming mga lupain anu mang oras dahil sa kagagawa ng mga kumpanya ni Senador Manny Villar na ngayon ay tumatakbo para maging presidente.

Ang aming mga lupain na mahigit sa 400 ektarya ay isinanla ng mga kumpanya ni Villar, ang Capitol Development Bank at Manila Brickworks, Inc., sa halagang mahigit isang bilyong piso sa Bangko Sentral, gamit ang mga pekeng titulo, at pagkatapos, ito ay hinayaan na lamang nilang mailit matapos magkamal ng salapi sa ma-anomalyang transaksyon.

Kami ay labis na nagtataka kung papaanong nagkaroon ng mga titulo sina Villiar gayong ang nasabing lupain ay inookupa at sinasaka na naming at ng aming mga Ninuno magmula pa ng mahabang panahon at, sa katunayan kami ay inisyuhan na ng orihinal na titulo ng gobyerno noong pang 1964 sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources.

Nagtataka rin kami kung bakit tinanggap bilang kolateral sa utang ng Bangko Sentral ang mga kumpanya ni Villiar nang hindi man lamang tinitingnan ang lupang sakop ng kanilang umano’y mga titulo, dahil kung ginawa nila ito, malalaman nila agad na kami ang mga tunay na may-ari nito at dapat ay hindi nila inaprubahan ang nasabing utang. Lumalabas na ang mga kumpanya ni Villiar, sa pamumuno ng kanyang asawa na si Cynthia Villiar, ay nakipagsabwatan sa ilang opisyal ng Bangko Sentral.

Dahil sa ginawa ng mga Villiar, kami ay nagsampa na ng mga kasong graft at plunder laban sa kanila sa Office of the Ombudsman noon pang Setyembre 2008, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito inaaksyunan ng Ombudsman sa hindi malamang dahilan. Ito ba ay sa kadahilanang si Villiar ay isa sa pinakamayaman at pinakamataas na opisyal ng gobyerno na gumagamit ng kanyang impluwensya upang pagtakpan ang kanyang mga kasalanan.

Dahil sa kawalang aksyon sa aming mga hinaing, at sa panganib na kinakaharaop naming at ng aming mga pamilya dahil sa ginawa ng mga Villiar, kami ay napilitang lumabas upang bigyang pansin ng mga kinauukulan.

Lalo kaming nangangamba dahil kung si Villiar na ang siyang pangulo, siguradong mapapabilis ang pagpapatalsik sa amin sa aming mga lupain, dahil hindi lamang Bangko Sentral ang aming katunggali, kundi mismong presidente pa.

Huwag na huwag po sana nating hayaang mangyari ito. At huwag rin po sana ninyo kaming pagkaitan ng inyong tulong upang kami ay manatili sa aming mga lupain. Nananawagan kami sa mga taga-media, na maging patas naman sa pamamahayag, at huwag ikubli ang nagawa ni Ginoong Villiar, at ayon sa kanilang tungkulin, ihayag lamang ang panig ng katotohanan.

Maraming salamat po at nawa’y pagpalain tayo ng mahal na Panginoon.

Samahang Magsasaka ng Sitio Karahume
Barangay San Isidro,
San Jose del Monte, Bulacan

Location: Quirino H-Way, Caloocan City, MM

Karen Ang

A plebeian who is trying to make small changes in this world.

  • salamat sa impormasyon. nakakasukam nakakasawa na ang mga ads nya. over acting na, sobrang dami ng taong inuto/ginamit sa mga ads. sana naman matauhan na ang mga mamamayan. naniniwala akong hindi ka basta yayaman ng ganoon kabilis kung walang anomala/pagsasaman
    tala sa kahinaan ng mas mahihirap/panloloko na nagagawang maging legal. hindi pa man nagsisimula ang kampanyahan e pinaalalahanan na kami ng mga colleagues ko. nakakatakot maging presidente yan at baka magising ka na lang e sa dagat ng Pacific ka damputin at nai-convert na sa subdivision ang lugar mo. tanong ko lang, me konsyensya pa kaya yan. of all the government dignitaries invited by our school as graduation speaker, he was the only one who had not thanked God in his speech but had an ostentatious display of his prowess as a businessman. the impression he left was that he relied on his own strength but never did he seek the divine providence to increase his lot.

  • gel

    Ganyan talaga politika dito sa ati. Sabi nga nila batuhan daw ng putik ang isat isa para sa kasiraan lang. yan ang dahilan kaya hindi na tayo maka move forward. Sa dami ng subdivision na develop ni Se. Manny Villar ay marami siyang natulungan, dahil marami siyang nabigyan ng trabajo in the field of construction. Ganoon din sa negosyo dahil marming bags of sement, gravel, sand, reinforcing bars at finishing materials ang nabenta. yan ang hindi nakikita ng iba kay Villar…

  • TheoG

    So why only now? The fact that those “farmers” are ripping apart Villar’s campaign ads shows that the demonstrations were held just recently, so it’s all politically motivated. These people have been payed by the Aquino’s, the Cojuanco’s, the Ayala’s and the Lopez’s of the Philippines. They all want to put the good man down.

    Villar, you have my support!!!

  • Willie Luarca

    May Katotohanan man o wala ang mga paratang ay nkakapagtakang ngayon lang ito naging malaking issue at lalong pinalalaki pa sa media..
    lumalabas na ito ay paninira lamang at itinaon sa panahon ng kampanya ng election 2010. Ang mga kasong nabanggit ay pilit na iniuugnay kay G. Villar gayong wala naman sinasabing direktang siya ay maypartisipasyon. Sa kaso ng issue na mahirap sila noon. pinapatunayan lamang na talagang silay mahirap. ang lupa noong panahong iyon ay hindi gaanong pinahahalagahan at hindi maituturing na yaman. taong 70″s lamang nagkaroon ng pagmahal at kahalagahan sa lupa ng isulong ang pabahay dahil sa paglaki ng population ng maynila. Noon din nauso ang housing projects ng gobyerno. napakamura ng lupain noon. Iilan lamang ang nagtitiyaga bilang investment ang lupa. Sapagkat di pa gaanong nakikita ang ang potential ng mga hopusing projects at subdivision investment noon. Marami pa nga ang nalugi sa mga naunang namuhunan sa pabahay project noon.Bilang isang simpleng mamamayan ay nakikita ko ang kasamaan ng pulitika dito sa ating bansa. Sa aking palagay ay dapat ko pang iboto si Villar sapagkat ang nakikita ko ay kabaliktaran. ang paninira lalot ito ay inataon lamang sa panahon ng election ay patunay na pagkainggit lamang sa isang taong nakagawa ng pangalan at umunlad sa kanyang pagsisikap. Lalo pa at ang mga taong nag-aakusa ay mas lalong higit na kwestionable ang kanilang pagyaman at pagkakaroon ng kayamanan. Tunay na sila ang pinagmulan ay land grabbing at nagpayaman lamang dahil sa puwesto sa gobyerno. Tingnan ninyo at kilalanin kung sino-sino ang mga talak ng talak. Sino at ano ang tunay na pinagmulan nila.at ng kanilang yaman. Sumpain sila ng Tadhana

  • henry advincula

    “the more you hit VILLAR – the more people will love him”

    REMEMBER THAT!

  • henry advincula

    Hindi ako para kay villar for president at lalong hindi ako nagkukumento for him. ang akin lang ay parang nakikita ko sa presentation ninyo against villar ay paninira lamang. sa pictures na nakikita namin may nag rarali bang mahihirap na naka uniform maganda ang pagkakainprenta at sa mga mukha makikita mong parang nababahala. matanong lang, sino po ba ang nag sponsor ng ganitong mga gimiks magkano ho ba ang bayad sa mga taong yan na palagi mong nakikita sa mga rally. iisang pamilya lang po yata yan pariparihong kulay maiitim na sa kakarali dahil yan naman ang kanilang hanapbuhay.

    • reynald narbarte

      correct ka dyan! ang mga pilipino mahilig magsiraan! bakit di sila magkampanya ta mang-akit ng mga batante sa magandang paraan?

    • jj

      tama ka dyan! sino nga ba ang sponsor nyo? ABS CBN ba? magaling talaga gumawa ng sariling kwento ang network na yan malamang mala pelikulang tinaping yan.

  • lahat naman tao pg kailan tayo aasinso saka hahatakin kita pababa ganyan naman talaga ang pinoy kaya wala tayong asiso ingitan kasi,,bakit kung kailan maymabuti saka lalabas ang ksamaan oo nga pla mgksama yan,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,ipagpatuloy mo idol katrupa namn VILLAR go for president,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

    • blackviper

      birds of the same feather flocks together….

  • VENER ARIOLA

    Tuloy nyo ang nasa loob nyo.. karapatan nyo yan.. wag kayo papa api..mas may karapatan kayo kaysa sa kanila.. wag nyo hahayaan na mag hari ang mga ganitong uri ng tao..