Villar, iniwan ni Noynoy sa university mock polls

Villar, iniwan ni Noynoy sa university mock polls
Abante

Hindi lamang nanguna si Liberal Party (LP) stan­dard bearer Noynoy Aquino kundi iniwan pa nito nang milya-milya ang ‘consistent number 2’ sa mga surveys na si Naciona­lista Party (NP) bet Manny Villar sa isang mock polls na ginawa ng isang unibersidad sa Maynila.

Umarangkada rin ang pinsan ni Aquino na si ex-Defense Sec. Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr., kung saan dumikit ito nang husto sa una.

Katulad ng inaasahan, muling pinakain ng alika­bok ni vice presidential bet Mar Roxas II si Sen. Loren Legarda kung saan mistulang nahawa sa runningmate nitong si Villar na parehong lumagapak sa No.4 spot.

Sa mock elections ng University of Sto. Tomas (UST), simula Pebrero 16 hanggang 19, alinsunod sa Political Opinions of the Youth (POYS) survey, muling nanguna ang pambato ng LP sa hanay ng 13,599 estudyante mula sa 12 colleges.

Nakapagtala si Aquino ng 33.2% habang 46.5% si Roxas kung saan pumang-apat lamang si Villar sa nakuhang 7.2% sa presidential race at tinalo nina Teodoro (no. 2 sa kinabig na 32.5%) at Sen. Richard “Dick” Gordon (no. 3 sa 15.4%).

Sa vice presidential race, sobrang layo ni Roxa­s (46.5%) sa katunggaling si Legarda na nakapagtala lamang ng 6.4% kung saan sinipa ni ex-MMDA Chairman Bayani Fernando sa 2nd spot matapos makapagtala ng 24.6% ang huli.

Lumagapak si Legarda sa No. 4 kung saan pumangatlo si Makati Mayor Jejomar Binay, 21.9%; panglima si ex-OMB chairman Edu Manzano, 1.2%.

“Roxas’ rating has been climbing since the first POYS survey held August last year, where he got a measly 4.9% rating. This jumped significantly to 46.3% in the December 2009 survey. On the contrary, Legarda has been losing points,” pahayag ng LP camp.

Karen Ang

A plebeian who is trying to make small changes in this world.