San Rafael Village Transfer of Certificate Title

The ProPinoy team was able to acquire this from the affected families of San Rafael Village. We won’t reveal the identity of the persons who gave this in order to protect them.

page 1 (click to enlarge)
page 2 (click to enlarge)

Kung ano ang inilalahad nitong San Rafael Village TCT (Transfer Certificate of Title):

1.       Bago sa taong 1962, bumili ang mga Villar ng 560 sq.m. ng mamahaling lote sa San Rafael Village, lugar kung saan ang mga may-kayang pamilya na may negosyo sa pook ng Tondo-Navotas ay nagpapatayo ng bahay at tumitira.

2.       Isinasaad sa titulo (Transfer Certificate of Title) ng naturang pag-aari na nailipat ito nuong taong 1964, subalit pinatutunayan sa Sertipiko ng Pagkamatay (Death Certificate) ni Danny Villar na naninirahan na sila rito nuon pang 1962.

3.       Base sa presyuhan sa taong 2009, ang P16,000 halaga ng sangla sa GSIS na nakatala sa TCT – na hindi nangangahulugang siya nang presyo nitong dalawang 280 sq.m. na lote – ay nagkakahalaga na ngayon ng P1,140,000.00.  Ipalagay nang ang presyo nga ay P16,000, ang halaga ng bawat metro kuwadrado nito ay lumalabas na P28.57.  (Sa La Vista ni Mike Arroyo, ang bentahan sa lote bawat metro kuwadrado ay P50, nuong taong 1964.)  Sinasabi ng mga taong pamilyar sa naturang subdivision na ang halaga ngayon ng bawat metro kuwadrado roon ay nasa mababang P5,000 hanggang sa mataas na P10,000.

4.       Sabi ni Jun Borres, ang kasalukuyang may-ari nitong dalawang lote na ginagamit naman niya para sa kanyang upisina – ang Jumbo Fishing Company – may nakatayo nang isa’t kalahating palapag na bahay-gusali rito, nang mabili nila ito nuong taong 1987.  Ang unang palapag ay yari sa semento, samantalang ang itaas naman ay gawa sa kahoy, ang karaniwang gamit sa mga bahay pang-mayaman nuong mga taong 1960s.

Ang kahulugan ng pagiging may-ari ng lote’t bahay sa San Rafael Village:

1.       Dagdag pa sa mga alam nang impormasyon tungkol kay Manny Villar, hindi maaaring ituring na mahirap ang kanyang pamilya, dahil nakapanirahan sila sa San Rafael Village nuong 1962, o maaga pa rito.  Ang kanyang ina ay isang “dealer”, o negosyante, ng isda sa Divisoria, hindi isang tindera lamang, gaya ng ibig niyang palabasin.  Para sa isang pamilyang binubuo ng 11 katao, nakakakain silang lahat ng “corned beef”, gaya ng kanyang ipinahayag sa isa niyang naunang anunsiyo sa TV.  Ang kanyang ama ay isang upisyal sa gubyerno.  Nakapag-aral si Manny Villar sa mga pribadong eskuwelahan, sa Holy Child Catholic School para sa elementarya, at Mapua Institute of Technology para sa kanyang high school.  Ang tunay na mga mahihirap ay nakakatapak lamang sa mga paaralang pampubliko.

2.       Ang pinagsamang kita o sahod ng mga magulang ay maituturing na malaki, para sila’y makabili nitong pag-aari sa San Rafael Village – kung saan ang lawak nito ay nagsasaad lamang ng taglay nilang sapat na yaman.  Ang mga tunay na mahihirap ay nakabibili lamang ng maliit pa sa 100 sq. m. na lote.  At pihado ring malaki nga ang kita ng ama ni Villar para ito makautang sa gobyerno ng P16,000.  Nuong 1962, ang mga matataas na eksekiyutibo sa malalaking kumpanya ay sumasahod ng mga P2,000 kada buwan.

Kung ano ang inihahayag ng Death Certificate (Sertipiko ng Pagkamatay) ni Danny B. Villar:

1.       Isang malaking kabulaanan ang sinasabing namatay si Danny sapagkat sila ay naghihirap daw (Villar PANATA TV ad: “Nakaranas na ba kayong…mamatayan ng kapatid dahil wala kang perang pangpagamot?”) at ‘di kayang tustusan ang pangangailangang pangkalusugan nito.  Sa death certificate ni Danny, ang nabanggit na tirahan nang mamatay ito ay iyong pag-aari sa San Rafael Village.

2.       Ang MALAKING KASINUNGALINGAN na iyon ay lalo pang pinalala ng pangyayaring 13 araw na ginagamot sa FEU Hospital itong si Danny, kung saan pagkatapos, ito ay pumanaw rin sa edad na 3 taon at 8 buwan. Kung talagang mahirap sila, sa PGH (Phil. General Hospital) sana ang naaangkop na ospital na pinagdalhan kay Danny.  Mahusay at sapat na pag-aalagang medical ang talagang ibinigay sa kanya.  Ang FEU Hospital ang isa sa mga pangunahing ospital noong 1962, bago pa man nagsulputan ang Manila Doctors’ Hospital, Makati Medical Center at St. Luke’s.

3.       Ang ikinamatay ni Danny ay “CARDIAC and RESPIRATORY FAILURE” (PAGPALYA NG PUSO AT BAGA) resulta ng mga KUMPLIKASYON SA LEUKEMIA.  Noong 1962, hindi pa nailalapat ang pamamaraang paggamot na “bone marrow transplantation” at “chemotherapy” kung kaya’t mayaman man o mahirap, tiyak ang pagkamatay ng sinumang sapitan ng sakit na leukemia.

4.       Nang mamatay si Danny, dinala ang mga labi niya sa FUNERARIA PAZ – itinuturing na isa sa mga pangunahing kumpanya, noon at magpahanggang ngayon, na nagbibigay ng de-klaseng serbisyong pagburol at libing ng mga pumanaw.  Dahil dito, lalo pang pinabubulaanan ang MALAKING KASINUNGALINGAN ni Manny Villar na namatay si Danny sa dahilang wala silang salaping pantustos sa pagpapagaling sa kanya.

Karen Ang

A plebeian who is trying to make small changes in this world.