'Abswelto kami kay Villar'

‘Abswelto kami kay Villar’
Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kampante umano si Maguindanao massacre prime suspect na si dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. na ang mga miyembro ng kanyang pamilyang dawit sa kaso ng pagpatay sa 57 katao ay maaabswelto kapag si Nacionalista Party presidential bet Manny Villar ang mahahalalal sa eleksyon.

Kinumpirma ni Andal Jr. na sinusuportahan ng kanyang pamilya ang kandidatura sa pagka-pangulo ni Villar sa isang panayam kamakailan ng ABS-CBN Channel 2.

Sa naturang interview, ipinagyabang pa ni Ampatuan ang orange baller ni Villar bilang sagisag ng kanilang suporta sa kandidato ng NP.

Pati umano senatorial bets ng NP ay sinusuportahan ng mga Ampatuan. Nagkaroon na umano ng sikretong kasunduan ang mga Ampatuan sa kampo ni Villar kaugnay nito.

Kumalat ang mga espekulasyon na ipinangako umano ni Villar sa mga Ampatuan ang kalayaan o pagkaka-absuwelto sa Maguindanao massacre case kapag nanalong Pangulo kapalit ang panalo sa buong ARMM.

Mas lalo pang lumatang ngayon ang posibleng da­yaan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao na kontrolado ng pamilya Ampatuan pabor kay Villar at tumibay ang  pagiging secret candidate ng NP bet, katulad ng alegasyong Villarroyo alliace.

Bago pa man naganap ang karumal-dumal na masaker sa Maguindanao, naka-iskedyul manumpa sa NP ang buong pamilya Ampatuan sa pangunguna ni suspendend Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., Andal Jr., at Autonomous Region of Muslim Mindanao Governor Zaldy Ampatuan na parehong nakakulong ngayon.

Karen Ang

A plebeian who is trying to make small changes in this world.