BSAIII opening statement at Harapan: The ANC Presidential Forum

Opening statement of Senator Benigno S. “Noynoy” Aquino III at Harapan: The ANC Presidential Forum, December 2, 2009

Opening Statement at Harapan the ANC Presidential Debate

Tayo ay hinubog ng mga katangiang ating minana, at ng mga karanasang ating pinagdaanan.

Many have said that it was my good fortune to have been born into my family. My father was touted as the next president and was considered one of the most influential people of his time.

Subalit, tayo po ay tinuruan ng ating mga magulang, mga kasambahay at mga kamag-anak, na anuman ang estado natin sa buhay, dapat nating gawin ang tama at igalang ang karapatan ng lahat. The lessons of my childhood were driven home by my family’s experiences during Martial Law. These years were some of the most difficult we had to endure, but they were also the most influential in shaping my life and who I am today.

Ang karanasang ito ang nagturo sa atin kung ano ang tama at kung ano ang mali.

Kaya naman noong ating nakamit ang demokrasya at nanungkulan ang ating ina, nangibabaw ang isang adhikain: Mali na tayo ay naaapi, ngunit mas lalong mali ang mang-api.

Subalit nanumbalik pa rin ang kasakiman at kawalang katarungan sa kasalukuyang rehimen. Umulit ang madilim na kasaysayan na sinabi nating hindi na natin papayagan.

Ako po ay narito dahil sa hangarin nating maibalik ang tama sa ating lipunan.

Marahil ang pinakamalaking pagkakaiba natin sa ating ibang katunggali ay hindi ko po hinangad na tumakbo bilang Presidente ng Pilipinas.

Ang matinding tiwala ng tao, at hindi ambisyon, ang nag-udyok sa atin.

Sapagkat hindi pansariling kapakanan ang dahilan, may kalayaan akong isipin at isulong ang kapakanan ng iba.

Kilala na po tayo ng ating mga kababayan. Sa mababang kapulungan man o sa Senado, may tiwala po ang taumbayan na ipinaglalaban natin ang tama, hindi lamang paminsan-minsan, kung hindi sa lahat ng oras.

The Filipino people’s faith in us is what gives us strength. As long as the people are with us in the fight for change, I am confident that we can address the many problems this administration has created and will leave behind.

Ang laban na tapat ay laban nating lahat. Sa tulong ninyo, ako po ang magsusulong sa laban na ito.

Maraming salamat po.

[Archived from the official campaign web site of President Benigno S. “Noynoy” Aquino III]

The ProPinoy Project