Beware of the Wolf

Let’s FEED Back!

It’s been four months ago since nagbigay ako ng talk about advocacy blogging sa Iloilo City para sa Visayas Blogging Summit. Bukod sa Millennium Development Goals (MDGs) na palagian kong inoopen sa mga forums at kahit sa mga simpleng pagtitipon ng mga bloggers at mga kaibigan, ay mas pinagtuunan ko ng pansin ang isyu ng gutom hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba pang parte ng mundo. Mula sa report na nilabas ng United Nations World Food Programme at ng Food and Agriculture Organization of the United Nations na sa buong mundo mayroon kulang kulang 1 billion na katao na ang nakakaranas ng tinatawag nilang chronic hunger. Karamihan sa kanila ay ang mga batang pumapasok sa paaralan. At sa pamamagitan ng konsepto ng online campaign sa mga social media ay inilunsad ng FAO at WFP ang  kampanya ng 1 Billion for 1 Billion Hungry. Sa project na ito ay binigyan ng kakayahan ang mga online users na ikampanya ang issue ng gutom sa pamamagitan ng social media at nakalikom sila ng suporta at pledge mula sa iba’t ibang tao, samahat at organization sa iba’t ibang parte ng mundo.

At ngayong March 8, 2011, kasabay ng celebration ng International Women’s Month, ay inilunsad ng WFP ang WeFeedBack. Ito ay isang online project na kung saan inaanyayahan lahat ng online advocates at bloggers na makiisa at ilagay sa mga websites nila ang widget para i-engage ang mga readers nila na tignan kung anong katumbas ng bawat binibili nilang pagkain sa kung ilan ang batang maaari nilang matulungan. Sacrifice – ito ang konsepto ng WeFeedBack campaign ng WFP, kung paano mo i-dodonate ang dapat sanang isang burger para sa miryenda mo para makatulong ng 3-4 children na humaharap at nagtitiis sa kalam ng sikmura.

//

Maharil marami rin nagtatanong bakit sa Women’s Month ito pinasok ng WFP, bilang isang taga suporta ng WFP masasabi kong nararapat din alalahanin sa bukod sa karapatan ng bawat kababaihan ay mayroong mga ina, kapatid at kaibigang mga babaeng humaharap sa hamon ng kalam ng sikmura. Ang mga kababaihan lalo na ang mga ina ay siyang tinawag na frontliners of hunger, sila ang nagtitiis ng gutom para lang mapakain ang kanilang mga anak lalo na silang mga nasa Africa, sila rin ang mga babaeng naglalakad ng malayo para kumuha ng firewood at tubig para sa pamilya nila na kadalasan biktima rin ng karahasan sa daan tulad ng nagaganap sa ilang region ng Sudan. Ang bawat isa lalaki man o babae ay biktima ng suliranin na hinaharap ng lahat at iyon ay gutom, lalo na sa mga bansang nasa third world country at naiipit sa giyera.

Simple lang ang hamon ng WeFeedBack, sa bawat 1 Dollar na ibibigay mo ay 2-3 batang mapapakain mo, sa bawat 5 dollars na binibigay mo maaari mong matulungan ang isang ina para matugunan ang pangangailangan niya sa livelihood program at sa 10-25$ na ibibigay mo isang klase na ang mabibigyan mo ng mainit, masarap at nutritious na pananghalian na kailangan nila habang nag-aaral. In reality, sa sampung estudyante na pumapasok sa paaralan ay kadalasang 2-3 lamang ang nakakakain ng maayos, habang ang natitira ay tinitiis ang gutom, sa kabila ng kumakalam na sikmura magagawa kaya nilang makapag aral ng mabuti. Ito ang ideya kung bakit sa MDG nangunguna ang kampanya ng “Eradication of Poverty and Hunger” (MDG #1). Malaki ang epekto ng gutom sa buhay ng tao, at ito ay nararanasan ng lahat at sa iba ay malubha.

May magagawa ka, sa bawat sakripisyo na gagawin mo, isang burger, isang fries, isang venti frappe, at isang froyo na i-gi-give up mo sa araw na ito at ido-donate mo sa WeFeedBack ay may mga bata at ina kang matutulungan. Kung nais natin ng pagbabago at kung nais natin labanan ang gutom, huwag lang tayo magsalita at umasam nito, maging parte ka ng laban at pagbabago ito dahil sa huli may parte ka at may magagawa ka.

10 Million Signatures to Stop Mining in Palawan

Kilala ang Palawan sa limang ecotourism na kung saan malaki ang natulong nito sa ekonomiya ng lugar. Pero nitong Enero lang ay ginulat tayo ng pagpatay sa isang media man na si Gerardo “Gerry” Ortega na hindi lang kilalang broadcaster sa Palawan kundi isang environmental advocate at wildlife veterinarian. Sa pamamagitan ng kanyang profession ay ginamit niya ito upang ipahayag ang saloobin niya at pag kontra sa mining sa Palawan. Sinubukan siya patahimikin ng mga kalaban at hindi sang-ayon sa mag iingay niya, maaaring nawala nga si Doc Gerry, pero hindi naman ibig sabihin pati ang pinaglalaban niya ay mawawala rin.

Inilunsad ng ABS-CBN Foundation-Bantay Kalikasan at ang mga naniniwala sa kahalagahan ng pangangalaga ng kalikasan katulad ng nasa Palawan ang 10 Million Signatures to Stop Mining in Palawan. Ang layunin nito ay makakuha ng enough na number ng mga supporters at ihahain ito sa gobyerno para matigil ang pagmimina sa Palawan at mapagpatuloy ang pangangalaga sa kalikasan. Mayroong 17 biodiversity sites ang Palawan, dalawa rito ay heritage sites at walo ang protected sites. Maging isa ka sa 10 million na makikiisa, o sana higit pa na tatayo at lalabanan ang pag mimina sa Palawan. Isang pledge lang ang kailangan sa iyo na gagawin mo sa www.no2mininginpalawan.com at malaki ang maitutulong.

Nagawa na noon ito ni Mayor Edward Hagedorn sa Puerto Princesa, pinigilan niya ang pagmimina at logging sa kanilang lugar, at nag focus siya sa agriculture at eco tourism. Sa ginawa niya mas umunlad ang lungsod sila. Maari rin naman mangyari ito sa buong Palawan kung makikiisa lang tayo, at huwag hayaan mabalewala lang ang nangyari kay Gerry Ortega, pero hindi lang para sa atin ito, para sa lahat kaya may parte ka sa labang ito at may magagawa ka.