death penalty

Transcript of interview of BSAIII by Anthony Taberna, Umagang Kay Ganda

Transcript of interview of Senator Benigno S. “Noynoy” Aquino III by Anthony Taberna, Umagang Kay Ganda, January 26, 2010

Transcript of Interview by Anthony Taberna at Umagang Kay Ganda

Anthony Taberna: Senator, isa po sa mga katunggali ninyo ay may commercial na natatandaan na po ng mga bata, eto po at itatanong ko sa inyo, kayo po ba ay nakaligo na sa dagat ng basura?

Sen. Noynoy Aquino: Hindi pa ho yata.

Anthony Taberna: Nag-pasko na ho ba kayo sa gitna ng kalsada?

Sen. Noynoy Aquino: Meron din ho yata nun, lalong lalo na po after Malacanang eh’, dipende ho kung saan aabutan. Pero ang nanay ko ho kasi talagang importante iyong Christmas eve na magkakasama kami, nung mag-asawa yung mga kapatid ko hanggang alas-diyes, so kadalasan ho kasama ho yung mga neighbors dun sa Times po.

Anthony Taberna: Naniniwala po ba kayo na para makatulong ang isang kandidato o kaya ay naghahangad maging Pangulo sa mga mahihirap ay kailangan ngang maging mahirap?

Sen. Noynoy Aquino: Palagay ko ho mas importante naranasan ninyo yung naranasan nila, pag sinasabi sa bansa natin yung mahirap, sinasabi katarungan, hindi nga nabibigyan ng adequate na abogado, hindi nasusulong yung kaso, hindi naipapakita yung kanilang punto. Kami po ay dumaan sa panahon ng martial law, yung nag-accuse po sa tatay ko si Marcos, yung may tangan po dun sa mga opisyales ng militar na humusga sa kanya si Marcos, yung magre-reveal nung kaso si Marcos, eh’ talagang talo pa po yung kangaroo court. Talagang wala ka ng kalaban-laban, marami naman po kaming dinaanan na kami rin po ay naapi, so alam po natin kung ano yung nadarama ng mga naapi, so palagay ko naman ho ayaw nating maulit yung pang-aapi kaya naman tayo ay may supisyenteng eksperyensa na para labanan yung pang-aapi.

Anthony Taberna: Pero yung pong sinasabi nilang kailangan mo munang dumaan sa pagiging gutom para malaman mo kung gaano kahirap ang maging gutom, kailangan mo munang… didiretsuhin ko na po, si Sen. Manny Villar, kailangan daw pong dumaan ka sa pagiging tindero ng hipon sa palengke para po malaman mo kung ano ang nararamdaman ng mga tindero, ganoon po ba yun?

Sen. Noynoy Aquino: Palagay ko naman ho lahat tayo hindi naka-inom ng lason pero alam natin na nakakamatay ang lason, wala hong may eksperiyensa na ang pag-inom po nung lason ay nabuhay, yun pong sinasabi niyang kuwento. Puwede namang dumaan ka doon mali naman yung leksiyon eh’ di wala rin hong silbi, ang point ko lang ho dito, when you are poor and you have so much of one thing for so many things, yung that is something that, yung people who have been deprived of whatever can also matter, can also be passionate about striving to changes.

Anthony Taberna: Kayo po ay may mga pinapalabas naring mga TV advertisements, magkaano na ho ang inyong ginagastos?

Sen. Noynoy Aquino: Kailangan ko hong i-check dun sa ating accountant, hindi ho ako binibigyan ng running total, pero malayo ho dun sa mga katunggali natin, siguradong-sigurado po yun.

Anthony Taberna: Kamusta ho ang pagdating ng tulong pinansiyal pagdating po sa politika para sa parating na halalan?

Sen. Noynoy Aquino: Maganda naman po, lalo na po nag-umpisa kami ng wala dahil hindi naman po ako nag-planong tumakbo, supisyente naman po para mapondohan yung ating mga sorties, yung mga political ads natin at tsaka maitulong dun sa mga volunteers natin.

Anthony Taberna: Magastos po yan ano, ang sabi po doon sa inyong TV ad, hindi po kayo magnanakaw, mayroon po ba kayong pinatatamaan doon?

Sen. Noynoy Aquino: Mayroon po mga naku-kuwestiyon kung saan nga po napunta yung pondo ano, more than anything nga po ang hina-highlight natin dun, tayo naman po ay nanggaling na ng Malakanyang, tayo naman po ay nanging opisyales sa gobyernong ito hindi naman natin inaabuso yung kapangyarihan na naipag-kaloob sa atin at sa pagkakataon. Noong panahon na ang nanay ko po ang Presidente at ang tawag po sa akin ng mga kabarkada ko ay “tanga”. Nung tinanong ko po paano naging “tanga” dahil naka-deans list naman ho ako kahit papaano, eh’ ang sagot ho eh’, may pagkakataon kaming kumita, tumiba-tiba eh’ hindi raw namin sinamantala kaya raw po kami “tanga’, ganoon na nga lang po eh’ di’ thank you.

Anthony Taberna: Pero dito po sa kasalukuyang bakbakan sa pagka-Pangulo, nung sinabi po ninyong hindi ako magnanakaw, magandang-maganda po ang dating nun, ang kahulugan po ba nito, yung ibang mga kandidato ay maaaring magnakaw o nagnanakaw.

Sen. Noynoy Aquino: Tandaan po ninyo ang focus po namin ay ang kasalukuyang pamamahala, balikan po natin yung ZTE, yung ZTE po ayon sa board meeting ng NEDA P5 milyon dapat ang nagastusan dun sa backbone ng ZyberEd. Yun pong tinatawag ni Jun Lozada na “tong-pats” ang tinatantiya ay mga P14 billion, so P5 billion lang talaga yung proyekto yung paghahati-hatian nila P35 billion, hindi ho ba pagnanakaw yun? Yung pagde-deprive ng mga puwedeng naging eskuwelahan, ospital, kalsada, kuryente sa mamamayan. Imbes na kumuha na lamang ng kapiraso ng P5 million, naging importante yung dinagdag na times seven ho bale ang dagdag.

Anthony Taberna: kayo po ay hindi magnanakaw, kami po ay maniniwala doon sa inyong pangako na iyon, pero paano po iyung mga nakapaligid sa inyo?

Sen. Noynoy Aquino: Kapag yung nasa itaas po ay magli-lead by example, kakabahan naman po maski papaano yung nasa ibaba at mayroon kayong moral superiority para habulin lahat ng hindi susunod. Pero minumungkahi po namin na hindi lamang lalabanan ang korapsiyon, pero bigyan naman natin ng pagkakataon yung matino na manatiling matino, Presidente po ng Republika P50,000 po ang suweldo, gross, ang pinapangasiwaang budget ay P1.5 trillion, baka mayroong matukso ho diyan kapag hindi maisagot ho yung tuition ng anak. Kailangan pong gayahin natin tulad ng Singapore na kung saan mataas-taas yung porsiyento ng private sector counterpart, sa Pilipinas po entry level pantay, pag na-promote na yung private sector ang layo na po ng agwat, so paano kapag ganoon na kataas yung super levy, sa ma mababa, mas mababa po talaga, medaling tuksuhin, kaya kailangan din po nating itaas ang antas na yun para makayanang labanan yung tukso.

Anthony Taberna: Lahat po ng mga kasama ninyo ngayon, mga sumusuporta, mga pulitiko na lumapit po sa inyo at sumakay sa Liberal Party ay dumaan po sa pagsala para matiyak na, oh’ eto ay talagang hindi rin mangnanakaw.

Sen. Noynoy Aquino: As much as possible po, pero pati naman pos a Bibliya ano, si Kristo nagsalita ng “those who have no sin cast the first stone”, sasabihin ko ho ba kami lahat dito ay Santo maski paanong husgahan, baka mayroon din yung may kasalanan, pero ang point ho nun, nanigurado kami na walang major na kasalanan. Wala naman pong perpektong tao.

Anthony Taberna: Nangangamba po ang iba Senator na baka po kayo ay diktahan ng civil society na nag-upo rin noon kay Pangulong Arroyo matapos maalis si Erap pero iniwanan din po lumaon ito pong si Pangulong Arroyo, hindi daw po kaya ganito rin ang sapitin ninyo sa kanilang mga kamay?

Sen. Noynoy Aquino: Dapat po kasi open, mayroon akong idea, mayroong idea yung aking katunggali na baka pinagsama natin yan mas maganda yung produkto, at same time sa dulo po nito yung Pangulo ang may responsibilidad sa lahat ng desisyon na gagawin niya, so ako naman po kapag naharap ko yung magulang ko masabi ko sa kanilang tama yung ginawa ko, para masabi ko ho yun, hindi ako puwedeng diktahan nino man, pati nanay ko po. With all due respect to my mother may mga panahon na nagtalo din po kami sa ibang desisyon, at one point in time siya ho ay tutol sa death penalty, ako ho ay may pananaw na yung talagang paulit-ulit na heinous crimes ang ginagamit ay may karapatan ang lipunan na proteksiyunan ang sarili niya, later on medyo nag-rethink nitong posisyon na ito, nakita ko yung justice system natin na kung saan yung public attorney’s office sobrang dami ng kasong hinahawakan, hindi nga po nabibigyan ng kaukulang pansin na masinsinan yung mga naaakusahan ng krimen, so hangga’t hindi natin maiaayos yun, masigurado na mapangalagaan yung mga karapatan nila. Baka nga may mapapahamak pag mayroon tayong death penalty na hindi naman pala dapat parusahan.

Anthony Taberna: So kayo po ba ay papayag na madiktahan ng sinoman sa inyo pong pagpapasiya?

Sen. Noynoy Aquino: Ang reputasyon ko ho eh’ matigas ang ulo, so yun bang pati nung nasa House, dun sa mga kasamahan ko doon na nakasabay ko doon, mayroong sinasabi na ito ay majority decision, ako po ay hindi automatic na sumasama dun sa majority decision, eto ba kaya kong panindigan na desisyon o hindi, kapag hindi ko kayang panindigan hindi ho ako sumasama sa kanila.

Anthony Taberna: Tutukuyin ko na po, isa sa grupo na malapit na malapit sa inyo ngayon ay yung kontrobersiyal na law firm na kung tawagin ay The Firm, ito po ay malaking papel sa administrasyong Arroyo mula po nung Day 1 at in fact naging abogado pa po sila sa marami ilang kaso ng katiwalian ng administrasyon ng Pangulong Arroyo si First Gentleman Mike Arroyo, ano po ang sagot ninyo doon sa mga obserbasyon nab aka kayo ay paikutan lamang ng mga ito?

Sen. Noynoy Aquino: Kung puwede ho nilang subukan, pero isa lang po ang kasama namin dun sa The Firm, si Nonong Cruz, dating kalihim ng tanggulang pambansa, yung lahat ng kasama ko ngayon, siguro kung kakilala nila ako, isama na ninyo yung mga ka-klase ko nung grade school, high school at college. Hindi ako puwedeng dinadala kung saan saan lang, sa palagay ko hindi tama, yung Lolo ko po nung high school ako ang sabi ay talagang napaka-importante na may barkada ka pero huwag kang nagpapadala, huwag kang kaladkarin, kailangan ikaw ang lider. Paulit-ulit ho sila ng ganoon, so again, lahat ho ng desisyon ko at the end of the day, kailangan kaya kong panindigan.

Anthony Taberna: Kagabi po medyo napuyat kayo sa pagtalakay sa C-5 controversy, senator isang diretsang tanong, puwede po ba kayong mag-inhibit na lamang doon po sa pagsisiyasat na ito para po mawala na yung pangangatwiran na kayo ay namumulitika lamang ditto sa isyu laban kay Sen. Villar?

Sen. Noynoy Aquino: Ang problema ho yung numero namin sa Senado, kasi ho kami ay 23 total, isa yung naka-kulong, 11-11 na nga ho ang puwedeng mangyari, walang desisyon, kailangan ma-resolve yung issue, kung hindi na ho kailangan yung partisipasyon ko pero maaaring na-resolve yung issue one way or the other baka puwede po nating pag-isipan yan. Pero uulitin ko po kung namumulitika ako ho dito, si Senator Alan Cayetano at si Gilbert Remulla mismo ang magpapatunay na umpisa-umpisa pa lamang ho at hanggang sa mga araw na ito, nakiki-usap ako kay Senator Villar, pumunta ka dito kung talagang wala kang kasalanan mapapakita mo yan, mabigyan ka ng karapatan mo na magkaroon ng proseso, kung saan puwede mong ipagtanggol yung sarili mo.

[Archived from the official campaign web site of President Benigno S. “Noynoy” Aquino III]