SJDM

Norzagaray farmers' plea

Last March 15, 2010, the farmers of Norzagaray (SJDM) marched from their land to the Office of the Ombudsman in Quezon City to protest their current fragile situation. The following is an account by Mr. M.D.F.P.
Apila sa Sambayanan Pilipino at Mga Kinauukulan

Kami, mga maralitang magsasaka mula sa kabundukan ng Norzagaray, Bulacan ay nananawagan sa mamamayang Pilipino na kami ay tulungan dahil kami, sampu ng aming mga pamilya, ay nanganganib na mapatalsik sa aming mga lupain anu mang oras dahil sa kagagawa ng mga kumpanya ni Senador Manny Villar na ngayon ay tumatakbo para maging presidente.

Ang aming mga lupain na mahigit sa 400 ektarya ay isinanla ng mga kumpanya ni Villar, ang Capitol Development Bank at Manila Brickworks, Inc., sa halagang mahigit isang bilyong piso sa Bangko Sentral, gamit ang mga pekeng titulo, at pagkatapos, ito ay hinayaan na lamang nilang mailit matapos magkamal ng salapi sa ma-anomalyang transaksyon.

Kami ay labis na nagtataka kung papaanong nagkaroon ng mga titulo sina Villiar gayong ang nasabing lupain ay inookupa at sinasaka na naming at ng aming mga Ninuno magmula pa ng mahabang panahon at, sa katunayan kami ay inisyuhan na ng orihinal na titulo ng gobyerno noong pang 1964 sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources.

Nagtataka rin kami kung bakit tinanggap bilang kolateral sa utang ng Bangko Sentral ang mga kumpanya ni Villiar nang hindi man lamang tinitingnan ang lupang sakop ng kanilang umano’y mga titulo, dahil kung ginawa nila ito, malalaman nila agad na kami ang mga tunay na may-ari nito at dapat ay hindi nila inaprubahan ang nasabing utang. Lumalabas na ang mga kumpanya ni Villiar, sa pamumuno ng kanyang asawa na si Cynthia Villiar, ay nakipagsabwatan sa ilang opisyal ng Bangko Sentral.

Dahil sa ginawa ng mga Villiar, kami ay nagsampa na ng mga kasong graft at plunder laban sa kanila sa Office of the Ombudsman noon pang Setyembre 2008, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito inaaksyunan ng Ombudsman sa hindi malamang dahilan. Ito ba ay sa kadahilanang si Villiar ay isa sa pinakamayaman at pinakamataas na opisyal ng gobyerno na gumagamit ng kanyang impluwensya upang pagtakpan ang kanyang mga kasalanan.

Dahil sa kawalang aksyon sa aming mga hinaing, at sa panganib na kinakaharaop naming at ng aming mga pamilya dahil sa ginawa ng mga Villiar, kami ay napilitang lumabas upang bigyang pansin ng mga kinauukulan.

Lalo kaming nangangamba dahil kung si Villiar na ang siyang pangulo, siguradong mapapabilis ang pagpapatalsik sa amin sa aming mga lupain, dahil hindi lamang Bangko Sentral ang aming katunggali, kundi mismong presidente pa.

Huwag na huwag po sana nating hayaang mangyari ito. At huwag rin po sana ninyo kaming pagkaitan ng inyong tulong upang kami ay manatili sa aming mga lupain. Nananawagan kami sa mga taga-media, na maging patas naman sa pamamahayag, at huwag ikubli ang nagawa ni Ginoong Villiar, at ayon sa kanilang tungkulin, ihayag lamang ang panig ng katotohanan.

Maraming salamat po at nawa’y pagpalain tayo ng mahal na Panginoon.

Samahang Magsasaka ng Sitio Karahume
Barangay San Isidro,
San Jose del Monte, Bulacan

Location: Quirino H-Way, Caloocan City, MM

Norzagaray farmers' protest march

Last March 15, 2010, the farmers of Norzagaray (SJDM) marched from their land to the Office of the Ombudsman in Quezon City to protest their current fragile situation. The following is an account by Mr. M.D.F.P.

Lakad Laban sa Pangangamkam ng Villiar

Marami ng beses na kinokontak ako ng mga media para malaman kung ano ang mga impormasyon kong hawak na maibibigay sa kanila batay sa pumuputok ng isyu na magsasaka ng Norzagay (SJDM) Bulakan na inagawan ng lupain ng mga Villiar.

Hindi naman agad ako sumasagot dahilan sa masyadong maselan ang isyu dulot sa maraming pagkakataon ang nasabing lugar o lupain ng mga katutubong Dumagat Remontado ay isang lugar na walang katapusang patayan (liquidation).

Kung tutuusin ang nasabing pinaglalabanang lugar ay mayroon ng 2 kapitan ng barangay ang pinatay, meron ding regular na 100 armadong grupo ang umiikot na sa paniniwala ng mga tao duon kundi man ay NPA daw ay mga hired security group ng Villiar tulad ng Red fox.

Ilang beses na din na merong napatay sa hanay ng mga katutubo dahil sa pagtatanggol ng kanilang Lupaing Ninuno na may sukat na 1,800 hectares batay sa naaprubahan at naiisyung CADT o Certificate of Ancestral Domain Title nuong taong 2004.

Ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ganap na naaangkin ng mga katutubo itong nasabing Lupaing Ninuno dahilan sa marami ang kumikwestyon sa legalidad nito dahilan sa walang daw registration number mula Land Registration Office ang nasabing titulong CADT.

Tinanong ko ang NCIP o ang National Commission of Indigenous People na nasa ilalim ng opisina ng pangulong Gloria kung bakit hindi mairehistro ito gayong legal naman ang lahat ayon sa batas IPRA. Ang sagot ng NCIP ay dahilan tinututulan ito ng mga Villiar dahilan sa kanila raw ang humigit-kumulang na 500 ektaryang lupa na nasakop o napaloob sa naiisyuung CADT 1,800 hecgtares.

Dagdag pa rito ang CADT daw ay malalagyan na ng number ang titulo kung papayag ang mga katutubong Dumagat Remontado na isuko ang karapatan nila sa 500 ektaryang inaangkin ng mga Villiar na nakasangla sa Bangko Sentral.

Hindi pumayag ang mga katutubo sa ganitong mungkahi kaya mas ninais nilang lumaban dahilan sa itong kanilang Lupaing Ninuno na ipinamana sa kanilang tribu kaya dito na lang din daw sila mamamatay kung ito ang kapalit.

Ang nasabing Lupaing Ninuno ay isa sa 19 settlement tribe ng mga Dumagat sa lalawigan ng Bulakan na aming tinutulungang maorganisa at maangkin ang Lupaing Ninuno nila bilang kabuuan ng Sierra Madre sa lalawigan ng Bulakan.

Kung kaya ninais nilang ipakita ng lantaran ang kanilang karapatan sa kanilang Lupaing Ninuno bilang magsasaka sa paglalakad mula Karahumi, brgy San Isidro hanggang Ombudsman office sa QC sa kabila ng matinding init ng El Nino.

Makikita sa larawan ang mga katutubo at di katutubong magsasaka na nilalakad ang main highway ng Quirino papuntang Quezon City upang manawagan ng suporta sa kanilang layunin huwag makamkam ng tuluyang ni Villiar ang kanilang Lupaing Ninuno kaninang umaga Marso 15, 2010.

Bro martin
Sagip Siera Madre Environmental Society, Inc. (SSMESI)

Location: karahumi, San Isidro, SJDM